Mag-ingat sa mga MULTOSino ba naman ang hindi takot sa multo? (taas ang kamay! dali) Dahil mag100 years na ating campus next year, asahan na mahigit pa sa 100 daang multo na naiwan ng panahon ang pagala-gala sa campus. Awooooooooooooooooooo!
Karanasan ni Isko: Pangalawang gabi pa lamang ni Isko1 sa kanyang bagong dorm sa elbi. Mahimbing syang natutulog ng bigla na lamang syang nakaramdam ng malamig na kamay na humihila sa kanyang paa. Nagising sya sa sobrang takot!
Ito namang si Isko2 ay ligayang ligaya sa pagkakaupo sa toilet bowl ng isang lumang cubicle sa luma din namang men's dorm. hehe. Sarap na sarap sya sa pag-jebs nang biglang may pumitik sa balls nya. Wahahahahaha. Tumakbong hubo itong si Isko dahil sa pagkagulat.
Karansan ni Iska: Nakatira itong si Iska sa isang dorm sa forestry. Dahil nag departmental exam sya Math11 kaya gabi na sya nakauwi. Mga alas 10 na nun at mag-isa sya naglalakad paahon sa forestry. Asa tapat pa lang sya ng arko na may nakalagay na Welcome to College of Forestry and Natural Resources ay may nakasalubong itong maraming tao na para bang maglilibing. Kitang kita nya ang buhat buhat na ataul ng mga ito. Isa lang ang nagawa nya - ang tumakbo pababa papuntang infirmary.
Survival Tip: Hindi naman totoo ang mga kwentong multo. Gaya ng nabasa nyo, puro gawagawaan lang yan ng mga lokong upperclassmen. Kaya lang dahil sa malamig at tahimik na kapaligiran dito sa elbi, hindi maiiwasan na minsan ay magkaroon ka ng mga guniguni. Kaya iwasan ang: maglakad ng mag-isa lalo na pag gabi, magkulong sa kwarto, magpaiwan sa mga laboratory at classroom, at magCR ng mag-isa. Andyan na sya sa likod mo kaya mag-ingat ka. Wahahaha.
0 comments:
Post a Comment