
Unahin natin ang 100> 397 banner na itinaas ng UP crowd. Syempre may nagreact.

Itinaas naman nila ang kanilang Fuckman este Pacman inspired banner na 400 > 100. Mahilig silang mag-round off. At after ilang minutes eh di na nila pinakita. Bakit kaya?

Namumukod tangi sa lahat ang crowd ng FEU. Most memorable kumbaga. Mala religious group (no offense meant) ang kanilang pagwawagayway ng mga dilaw na good morning na twalya. hehehe. Panalo ang kanilang mga tarpaulin/banners. Walang concept ng contrast. Yellow green over yellow, light yellow over white, green over orange and yellow...kinaya nyo? hehehe

Syempre panalo ang UP crowd. hahaha. May budget cut ba? Kasi kulang ang mga flaglets.

Sa mga tao sa likod ng UP Pep Squad. Saludo ako sa bagong chant. Nangangabog!

Congrats sa UP Pep Squad. Mabuhay ang inyong originality. MakaPilipino ang inyong concept. Deserving kayo sa markang
93.30. 
Syempre, hindi dapat mawala si oble sa napakahalagang event na ito. Centennial pa naman ng UP. Hubadan to the max. hehe

Sa UST Salinggawi Dance Troupe na nakakuha ng markang 85.27, better luck next time. Kayo pa, eh ang galing-galing nyo. Yung performance nyo kasi ngayon, medyo kulang sa asim at anghang...puro pasweet...smile. hehe

Sa FEU naman na may markang 83.96, astig pa rin ang floor works nyo. Sayang lang at may nahulog sa last pyramid nyo. Anti-climactic.

Akala ko eh pasok sa top 3 ang Ateneo. Mali ako. Ganda ng abs ng mga girls. May nag-iisa lang na soggy. hehehe.

Isa pa 'tong sayang. Akala ko mababago ng Adamson ang monopolyo sa mga winners ng UAAP CDC. Sayang. Galing nung isang pyramid nyo...yung may tumalon mula sa likod(see pic above).

Akala ko pasok ang UE...hindi sa top 3...kundi sa tough 3(from janina san miguel). joke lang. hehehe.

Uy hindi na nagspell. Ang UP na ang may wrong spelling ngayon. hehe. TRIBU UP,
TUGOD

NU...is there something NU? hehe. Ok naman, except sa mga makintab na nakalagay sa damit. hehe Parang courtesy of Aling Maring.

At ito ang part na ko kinaya. Bago mag-announce ng winner, nagset-up ang Uste ng giant 3d version ng U-S-T sa gilid ng floor. Ano ibig sabihin nun

Kaya lang may nagsabi atang tanggalin ang mga ito...huhuhu. Premonisyon.
0 comments:
Post a Comment